Welcome Infinity RANatics Players!

Infinity Ran Online The Advance Episode 5
 
HomeHome  PortalPortal  CalendarCalendar  FAQFAQ  SearchSearch  MemberlistMemberlist  UsergroupsUsergroups  RegisterRegister  Log inLog in  

Share | 
 

 Quotes Quotes Quotes!!!

Go down 
AuthorMessage
xXILoveYouXx

avatar

Number of posts : 41
Registration date : 2008-12-27

PostSubject: Quotes Quotes Quotes!!!   Tue Dec 30, 2008 8:18 pm

"ayokong masanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko."

"Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan."

“Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”

“Hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?”

“…mas marami pa s’yang alam kesa sa nakasulat sa Transcript of Records n’ya, mas marami pa s’yang kayang gawin kesa sa nakalista sa resume n’ya, at mas mataas ang halaga n’ya kesa sa presyong nakasulat sa payslip n’ya tuwing sweldo.”

”…madaming teacher sa labas ng eskwelahan. desisyon mo kung kanino ka magpapaturo.”
“Nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures.”

”Mag-aral maigi; Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka sa pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher.”

“…ayokong sabihing susubok naman ako ng iba. Walang “iba”. Wala akong iiwan, meron lang babalikan. Kung meron mang iba sa ginawa ko, yun ay ang Bobong Pinoy. Kung may magsasabi man sa hinaharap na: “Sana nagpatawa ka na lang!” Yun ay opinyong handa kong tanggapin. Marami ang kaya at pwedeng gumawa ng mga isinusulat ko ngayon para sa mga mambabasa, pero ang gusto kong isulat at gawin para sa sarili, walang pwedeng tumupad kundi ako. Inumpisahan ko ang dialogue sa ikatlong libro para ipakilala sa mambabasa ang fiction. Umatras pa ‘ko ng bahagya sa ikaapat para mas maging kumportable sila dito. Sa mga susunod pa, pwede na siguro ako magtangka ng maikling kwento o nobela. Tulad ng pagsusulat ko, ayoko rin kasi malimitahan ang pagbabasa ng mga tao sa iisang klase ng libro…”

“iba ang informal gramar sa mali!!!”

“Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko.”

“Kung kabayo gagawa ng libro mahirap maging palaging politically correct para sa mga damo”

“Kung ako ay isang walang kwentang manunulat, english ang isusulat ko, para kahit anu anu ang sabihin ko hindi na nila mahahalata.. Kaya nga ako nagsulat sa tagalog para maintindihan ng mambabasa ang lahat ng sinasabi ko”

“Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka.”

“Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon kahit isa man lang paboritong libro sa buong buhay nila..dahil walang
mas nakakaawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa “

“Kung paniniwalaan namin kayo na hindi naglaro ng tubig kahit na basa ang damit n’yo, kayo ang niloloko namin; Hindi kayo ang nakapanloloko.”

“Para san ba ang cellphone na may camera? Kung kailangan sa buhay un, dapat matagal na kong patay.”

“Iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala”

“Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.”

“Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.”
Back to top Go down
View user profile
xXILoveYouXx

avatar

Number of posts : 41
Registration date : 2008-12-27

PostSubject: Re: Quotes Quotes Quotes!!!   Tue Dec 30, 2008 8:19 pm

"Ang tenga kapag pinagdikit korteng puso...
Extension ng puso ang tenga, kaya kapag marunog kang makinig, marunong kang magmahal.."



-Bob Ong
Back to top Go down
View user profile
xXILoveYouXx

avatar

Number of posts : 41
Registration date : 2008-12-27

PostSubject: Re: Quotes Quotes Quotes!!!   Tue Dec 30, 2008 8:20 pm

"Pag di ka mahal ng taong mahal mo, wag kang magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lng."



-Bob Ong
Back to top Go down
View user profile
xXILoveYouXx

avatar

Number of posts : 41
Registration date : 2008-12-27

PostSubject: Re: Quotes Quotes Quotes!!!   Tue Dec 30, 2008 8:21 pm

"Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.

Nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration, o fill-in-the-blank na sinasagutan, kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang erasures."

-Bob Ong
Back to top Go down
View user profile
xXILoveYouXx

avatar

Number of posts : 41
Registration date : 2008-12-27

PostSubject: Re: Quotes Quotes Quotes!!!   Sun Jan 11, 2009 9:44 pm

"Merong matigas..merong malambot..

merong tuwid..merong kulot..

merong buo..merong durog..

at merong mga taong hindi basta basta lumulubog!"

-Bob Ong
Back to top Go down
View user profile
xXILoveYouXx

avatar

Number of posts : 41
Registration date : 2008-12-27

PostSubject: Re: Quotes Quotes Quotes!!!   Sun Jan 11, 2009 9:45 pm

"Walang taong manhid. Hindi niya lang talaga maintindihan kung
ano ang gusto mong iparating dahil ayaw mo siyang diretsuhin"

-Bob Ong
Back to top Go down
View user profile
xXILoveYouXx

avatar

Number of posts : 41
Registration date : 2008-12-27

PostSubject: Re: Quotes Quotes Quotes!!!   Sun Jan 11, 2009 9:47 pm

"Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sayo kahit pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin yung araw na sakit nalang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo."

-Bob Ong
Back to top Go down
View user profile
xXILoveYouXx

avatar

Number of posts : 41
Registration date : 2008-12-27

PostSubject: Re: Quotes Quotes Quotes!!!   Sun Jan 11, 2009 9:49 pm

"mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala"

-Bob Ong
Back to top Go down
View user profile
xXILoveYouXx

avatar

Number of posts : 41
Registration date : 2008-12-27

PostSubject: Re: Quotes Quotes Quotes!!!   Sun Jan 11, 2009 9:50 pm

“Kapag pinag-aagawan ka malang maganda o gwapo ka. Sumama ka sa mabuti, hindi sa mabait. Sa marunong hindi sa matalino. Sa mahal ka, hindi sa gusto ka.”


-Bob Ong
Back to top Go down
View user profile
xXILoveYouXx

avatar

Number of posts : 41
Registration date : 2008-12-27

PostSubject: Re: Quotes Quotes Quotes!!!   Sun Jan 11, 2009 9:52 pm

"naniniwala ako sa isang prinsipyo sa psychology na nagsasabing para makuha mo ang gusto mo, kailangan nkatatak ito sa isip mo ng buong-buo. VISUALIZED.."

-Bob Ong
Back to top Go down
View user profile
xXILoveYouXx

avatar

Number of posts : 41
Registration date : 2008-12-27

PostSubject: Re: Quotes Quotes Quotes!!!   Sun Jan 11, 2009 9:52 pm

"gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sayo.. gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.."

-Bob Ong
Back to top Go down
View user profile
xXILoveYouXx

avatar

Number of posts : 41
Registration date : 2008-12-27

PostSubject: Re: Quotes Quotes Quotes!!!   Sun Jan 11, 2009 9:53 pm

"hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa, kundi and pagtanggap na sa bilyong-bilyong tao sa munda, wala man lang nkipaglaban upang makasama ka.."

-Bob Ong
Back to top Go down
View user profile
xXILoveYouXx

avatar

Number of posts : 41
Registration date : 2008-12-27

PostSubject: Re: Quotes Quotes Quotes!!!   Sun Jan 11, 2009 9:57 pm

" hindi naman lagi iiyak ang mundo para lang sa isang tao"

" muntik akong madisgrasya paglabas ng eskwelahan. wala ako sa sarili. doon ko lang nalaman na ganon pala ang college. gaguhan. "

" mas madali pang ulitin ang isang subject kesa maghunting ng teacher para magcompletion. "

-Bob Ong

ayun na muna lhat... ^_^v
Back to top Go down
View user profile
laggrod

avatar

Number of posts : 65
Age : 27
Registration date : 2008-12-27

PostSubject: Re: Quotes Quotes Quotes!!!   Mon Jan 12, 2009 3:21 pm

NICE POST
Back to top Go down
View user profile
nikx15

avatar

Male Number of posts : 19
Age : 23
Location : Batangas
Registration date : 2008-12-29

PostSubject: ABANKKBSNPLAKO - BOB`ONG tao   Mon Jan 12, 2009 6:06 pm

haha .. nice .. mganda b ung MC ARTHUR ???

lol! lol! lol! lol! lol!
Back to top Go down
View user profile http://www.xat.com/InfinityRanAddict
laggrod

avatar

Number of posts : 65
Age : 27
Registration date : 2008-12-27

PostSubject: Re: Quotes Quotes Quotes!!!   Mon Jan 12, 2009 7:52 pm

maganda ba si arthur mac arthur?
heheh lol! lol! lol! lol! lol!
Back to top Go down
View user profile
†rapidOskie†

avatar

Number of posts : 68
Location : himburot,pluto
Registration date : 2008-12-27

PostSubject: Re: Quotes Quotes Quotes!!!   Fri Jan 16, 2009 2:33 pm

OhyEah!!!

lol! lol! lol! lol! lol!
Back to top Go down
View user profile
xXILoveYouXx

avatar

Number of posts : 41
Registration date : 2008-12-27

PostSubject: Re: Quotes Quotes Quotes!!!   Fri Jan 16, 2009 7:31 pm

yUhp mgnda mga libro ni Bob Ong...bili kYuh mura lng... x)


lol! lol! lol! lol! lol! lol! lol! lol!
Back to top Go down
View user profile
laggrod

avatar

Number of posts : 65
Age : 27
Registration date : 2008-12-27

PostSubject: Re: Quotes Quotes Quotes!!!   Fri Jan 16, 2009 8:32 pm

whaha
pa bile
^_^
Back to top Go down
View user profile
CuRs3

avatar

Male Number of posts : 134
Age : 27
Location : Bulacan
Registration date : 2009-01-22

PostSubject: waaaaaa anong love love yan^^   Fri Jan 30, 2009 8:41 am

hahaha amf...

aus ah..


romance leads to pleasure and pleasure last to leave you



Evil or Very Mad CuRs3 / D3v0N Twisted Evil
Back to top Go down
View user profile
Sponsored content




PostSubject: Re: Quotes Quotes Quotes!!!   

Back to top Go down
 
Quotes Quotes Quotes!!!
Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Welcome Infinity RANatics Players! :: Server Discussions :: General Discussions-
Jump to: